Bayanihan in Sablayan

Ginanap ang kauna-unahang Bayanihan Festival sa Sablayaan bilang paggunita sa matagumpay na kasunduan sa pagitan ng Tao Seeds, Bayan ng Sablayan at Probinsiya ng Occidental Mindoro kaugnay sa implementasiyon ng Rice to Rise Program sa nasabing lugar.

Ang Rice to Rise Program o R2R ay isang programa na naglalayon na magbigay solusiyon sa pangkaraniwang problema na madalas kinahaharap ng mga magsasaka kagaya ng mahinang ani, mataas na kapital, mababang presyo ng palay, pabago-bagong klima, at limitado o kakulangan sa kaalaman at access sa makabagong kagamitan sa pagsasaka na siyang nakaaapekto sa pag-unlad ng magsasaka.

“Layunin namin na maging negosyo ang pagsasaka sa pang-hinaharap at nagpapasalamat kami sa Bayan ng Sablayan sa tiwala at suporta na ibinigay ninyo upang maipaabot namin ang Rice to Rise Program sa ating mga magsasaka dito sa inyong probinsiya,” banggit ni Mr. Joseph Arlan C. Fajardo, Business Unit Head ng Tao Seeds.

Sa kanyang opening remarks, binanggit Mayor Walter B. Marquez ng Bayan ng Sablayan na hangad niya na mas mapalawig pa ang sakop ng R2R program sa ibang karatig na bayan. “Hatawin na natin ang pagsasaka upang mas mabilis tayong makarating sa ating pangarap na mas maging maunlad pa ang bayan ng Sablayan sa tulong sa Rice to Rise Program,” banggit niya.

Previous
Previous

Tao Seeds signifies support to Cluster Farming in Pangasinan

Next
Next

Tao Seeds grants CLSU 3.5 Million Royalty Sales